Sa ating isinagawang 1st Quarterly Meeting ng City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) katuwang ang LYDO – Tanauan City, hinikayat natin ang mga departamento ng Pamahalaang Lungsod kasama ang iba’t ibang ahensiya at organisasyon na gawing prayoridad ang Drug Abuse Prevention upang maprotektahan ang mga minamahal nating kabataan.
Sakop nito ang patuloy na pagpapalakas natin ng 𝗲𝗱𝘂𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻— tulad ng mas malawak na scholarship program upang maitawid ng ating mga estudyante ang kanilang pag-aaral, 𝘀𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀— paglalaan natin ng mas malaking pondo sa mga proyekto at programang nagpapakilala ng husay at talento ng mga kabataan, 𝗹𝗶𝘃𝗲𝗹𝗶𝗵𝗼𝗼𝗱 — paghahatid ng maraming oportunidad at hanapbuhay sa ating mga kababayan.
Tiwala rin tayong sa patuloy na bayanihan ng bawat barangay pagdating sa 𝗗𝗿𝘂𝗴 𝗔𝗯𝘂𝘀𝗲 𝗣𝗿𝗲𝘃𝗲𝗻𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗲𝗵𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗧𝗿𝗲𝗮𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺, mas matutulungan natin ang ating mga kabataan na nasa pangangalaga ng Bahay Pag-Asa upang makabangon at muling maging produktibong mga mamamayan ng ating Lungsod.