Citizen’s Card o C-Card para sa malawakang Serbisyo Publiko sa ating mga Tanaueño!

Citizen’s Card o C-Card para sa malawakang Serbisyo Publiko sa ating mga Tanaueño!
Mas pabibilisin pa ang serbisyong publiko para sa mga Tanaueño matapos pormal na ipamahagi ngayong araw ang Citizen’s Card o C-Card sa Brgy. Wawa sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang si Atty. Cristine Collantes, Atty. Raffy Garcia at ang Barangay Affairs Office sa pamumuno ni Ms. Jiench Nones
Malaking hakbang ang pag-computerized ng mga serbisyo at programa ng Pamahalaang Lungsod tulad ng Medical Assistance, Hospitalization, Mortuary Assistance at Educational Assistance upang gawing automated ang transaksyon at mas mabilis na maipapaabot ang mga ito sa mga mamamayan.
Tuloy-tuloy din ang pakikipag-ugnayan ng ating lokal na pamahalaan sa mga pribadong sektor upang mas mapalawak pa ang benepisyo ng card.
Nagkaroon din ng card scan kung saan ay makikita ang mga serbisyong natanggap ng mga benepisyaryo sa ilalim ng mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan.
Manatiling nakaantabay sa schedule ng inyong barangay para sa mga anunsyo kaugnay sa registration at releases ng inyong mga C-Card.
May be an image of 5 people, crowd and text
Previous PABATID SA PUBLIKO

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved