CHED Tertiary Education Subsidy (TES) ipinaabot ni Mayor Sonny Perez Collantes at pamunuan ng Tanauan Institute!
Sa maigting na pakikipagtulungan nina Mayor Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at pamunuan ng Tanauan Institute sa tanggapan ng Commission on Higher Education(CHED), tagumpay na naipaabot ngayong araw ang Tertiary Education Subsidy ng mga mag-aaral mula sa Tanauan Institute.
Ang nasabing programa ay isa sa mga programa ng pamahalaang nasyunal upang suportanv pinansyal para sa mga pangangailangan ng ating mga kabataang Tanaueño na nag-aaral sa kolehiyo.