๐๐๐๐ ๐๐๐ง๐ฌ๐ฎ๐ฌ ๐จ๐ ๐๐จ๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ , ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ฎ๐๐ง!
Kasalukuyang isinasagawa ngayong araw ang 2024 Census of Population at Community Based Monitoring System para sa 79 enumerators mula sa ibaโt ibang barangay sa Lungsod ng Tanauan.
Ang nasabing aktibidad ay inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang City Planning and Development Office at Philippine Statistics Authority (PSA) upang mabigyan ng kauukulang kaalaman ang mga enumerators sa tamang pagkuha ng datos sa mga mamamayan sa Lungsod ng Tanauan.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang binigyang-diin ang kahalagahan ng nasabing programa. Aniya, ang makokoletang datos at impormasyon ang magiging basehan ng ating pamahalaan sa pagplano at pagbuo ng ibaโt ibang polisiya at programang sa bawat sektor.
Inanyayahan din ni Mayor Sonny ang lahat ng mamamayang Tanaueรฑo na makiisa sa pamamagitan ng pakikilahok at pagpapalista upang makalikom ng komprehensibong datos tungkol sa populasyon at kalagayan ng bawat sambahayan upang mapabuti ang mga serbisyong pampubliko at mga programang pangkaunlaran.
Samantala, kabilang rin sa nakiisa sa nasabing aktibidad ay si City Administrator Mr. Wilfredo Dodong Ablao at mga kinatawan mula sa ibaโt ibang sektor na katuwang ni Mayor Sonny sa paghahatis ng serbisyo para pamilyang Tanaueรฑo.