Ang CBMS o ang Community-Based Monitoring System ay isang statistical activity ng Philippine Statistics Authority na nangangalap at nagpoproseso ng mga lokal at komprehensibong datos mula sa sambahayan at mga indibidwal.
Ang CBMS data ay magagamit na basehan sa:
– Pag-update ng social registries para matukoy ang mga nararapat na benepisyaryo;
– Pagpaplano at pagbuo ng mga lokal at nasyonal na programa at polisiya batay sa datos; at
– Pag-generate ng Sustainable Development Goals indicators sa lokal na antas.
Naglalayon itong maging reference ng mga lokal na pamahalaan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga nararapat na programa para sa komunidad.
Swak Na Datos Para Sa Komunidad Na Mas Maayos! CBMS, Para Sa Atin ‘To!
Para sa mas malawak na impormasyon ukol sa CBMS, bisitahin ang www.psa.gov.ph/cbms para sa iba pang detalye.
Source: