Cash Incentives para sa mga Centenarian ng Lungsod, personal na inihatid ni Mayor Sonny Perez Collantes!

Cash Incentives para sa mga Centenarian ng Lungsod, personal na inihatid ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Dahil prayoridad ni Mayor Sonny Perez Collantes ang maihatid ang nararapat na benepisyo para sa ating mga Senior Citizens, personal mismong binisita at binigyang-pagkilala ng ating Alkalde ang tatlong centenarian ng Lungsod na sina:
• Ms. Teodula Pesigan ng Poblacion 5
• Ms, Natalia Gonzales ng Balele
• Nicolasa Panghulan ng Banjo West
Ang patuloy na paghahatid ng cash incentives na ito ay mula sa Nasyunal na Pamahalaan sa pamamagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan katuwang ang Tanauan Local Social Welfare and Development at OSCA Tanauan na layong paigtingin ang karagdagang benepisyong natatangap ng ating mga kababayan partikular ang ating mga Senior Citizens na may edad 100 pataas.
No photo description available.
Previous Congratulations, Our Mister Tourism Intercontinental 2024!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved