Cash Incentives para sa Centenarian ng Brgy. Altura Matanda

Cash Incentives para sa Centenarian ng Brgy. Altura Matanda, personal na inihatid ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Dahil prayoridad ni Mayor Sonny Perez Collantes ang maihatid ang nararapat na benepisyo para sa ating mga Senior Citizens, personal mismong binisita at binigyang-pagkilala ng ating Alkalde ang centenarian mula sa Brgy. Altura Matanda na si Ms. Primitiva Austria.
Ang patuloy na paghahatid ng cash incentives na ito ay mula sa Nasyunal na Pamahalaan sa pamamagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan katuwang angTanauan Local Social Welfare and Development at OSCA Tanauan na layong paigtingin ang karagdagang benepisyong natatangap ng ating mga kababayan partikular ang ating mga Senior Citizens na may edad 100 pataas.
Previous Trabaho at Oportunidad para sa ating mga kababaihan!

TANAUAN CITY GOVERMENTΒ© 2022 All Rights Reserved