Cash Incentives para sa ating mga Tanaueñong Senior Citizens!

Mayor Sonny Perez Collantes, ipinaabot ang Cash Incentives para sa ating mga Tanaueñong Senior Citizens!
Tinatayang 488 na mga kababayang Senior Citizens edad 85 hanggang 95 taong gulang ang pinagkalooban ng Cash Incentives ng ating Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng ating Mayor Sonny Perez Collantes, City Social Welfare and Development Office at City Treasury Office.
Kabilang din sa nakiisa at nagpaabot ng suporta ngayong araw ay sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Third District Representative Chief of Staff Atty. King Collantes na kaagapay ng ating mga kababayan sa Ikatlong Distrito sa larangan ng Social Services.
Sa kasalukuyan, regular ding ipinapaabot ng lokal na pamahalaan ang mga karagdagang benepisyo at tulong pinansyal upang bigyang-prayoridad ang sektor ng Senior Citizens alinsunod sa Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010.
Previous ANUNSYO TANAUEÑO | LTOPF CARAVAN sa Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version