Cash Incentives

Cash Incentives para sa 548 na mga opisyal ng 48 mga barangay sa Lungsod ng Tanauan

Cash Incentives sa ilalim ng Socio-Civic Project ng Pamahalaang Nasyunal, ipinaabot ni Mayor Sonny para sa mga opisyal ng 48 mga Barangay sa Lungsod
Sa patuloy na pakikipagtulungan ni Mayor Sonny Perez Collantes sa tanggapan ni Pang. Bongbong Marcos, tagumpay na naipaabot kahapon, ika-27 ng Marso ang Cash Incentives para sa 548 na mga opisyal ng 48 mga barangay sa Lungsod.
Ang nasabing aktibidad ay bunga ng pakikipag-ugnayan ng ating lokal na pamahalaan upang patuloy na maibaba ang mga programang nasyunal tulad ng Socio-Civic Project na alinsunod sa 12-point Executive Agenda ng administrasyong Marcos.
Layon rin ng proyektong ito na kilalanin ang kontribusyon ng ating mga kawani na katuwang ng pamahalaan sa paghahatid ng serbisyong publiko sa bawat barangay sa bansa.
Kabilang din sa nakiisa at nagpaabot ng suporta sa distribusyong ito ay si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at kaniyang Chief of Staff, Atty. King Collantes katuwang ang City Treasury Office sa pangunguna ni Mr. Fernan Mazanero.
Previous Batangas PNP Provincial Office Awarding Ceremony

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved