Capacity Building Training Workshop

Capacity Building Training Workshop for Self-Help group for PWD Presidents/PWD Coordinators
Kaugnay sa patuloy na pagsusulong ng inklusibong Lungsod ng Tanauan, inihatid ngayong araw ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Pdao Tanauan sa pamumuno ni Mr. Alex Lanting ang 3-Day Capacity Building Training Workshop para sa lahat ng PWD Presidents at Coordinators ng 48 Barangay.
Mula rito ay nagsagawa si Mayor Sonny ng isang consultative dialogue upang malaman ang kasalukuyang estado ng kanilang sektor.
Layon ng pagsasanay na ito na bigyan ng karagdagang kaalaman ang mga differently-abled nating kababayan at mga lider ng sektor na ito sa pamamagitan ng pag-alam sa ng kanilang karapatan, sitwasyon sa komunidad at mga pangangailangan.
Mula rito, hakbang din ito upang makabuo ng isang community action plan na kanilang magiging batayan sa mga programang maipatutupad para sa bawat barangay.
Bahagi rin ito ng prayoridad ni Mayor Sonny upang mapaigting ang mga benepisyo, serbisyo’t programang inihahatid para sa ating mga kababayan lalo’t higit sa sektor ng PWD at mga samahan nito.
Previous Natutugunan ang Pangangailangang Medikal ng ating mga Kababayan!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved