Capacity Building on Stress & Anger Management Seminar for Child in Conflict with the Law (CICLs)

IN PHOTOS | Capacity Building on Stress & Anger Management Seminar for Child in Conflict with the Law (CICLs)
“Hindi natin pwedeng pag-usapan ang bukas ng Tanauan nang hindi tinatalakay ang kinabukasan ng mga Kabataang Tanaueño” – ‘yan ang katagang binigyang-diin ng ating Mayor Sonny Perez Collantes matapos isagawa ang Capacity Building on Stress & Anger Management Seminar para sa ating mga Child in Conflict with the Law (CICLs) ngayong araw.
Ang nasabing seminar ay bahagi ng inisyatibo ni Mayor Sonny katuwang ang mga kawani ng Regional Juvenile Justice Welfare Committee at Tanauan Local Social Welfare and Development upang mabigyan ng kaalaman ang ating mga CICLs habang sila ay kasalukuyang namamalagi sa Bahay Pag-asa.
Ayon kay Mayor Sonny, ang pagsasagawa ng ganitong rehabilitation program para sa ating CICLs ay panibagong oportunidad at pag-asa hindi lang sa mga kabataang ito, ngunit lalo’t higit sa bukas ng Tanauan. Aniya, bilang bahagi ng lokal na pamahalaan, nararapat lamang na maging instrumento ito upang mabigyan ng tamang direksyon sa buhay ang ating mga CICLs tulad ng kaukulang edukasyon na makakatulong sa kanilang pag-unlad.
Dagdag pa rito, ang naturang aktibidad ay bahagi ng isinusulong ni Mayor Sonny na maprotektahan ang karapatan ng bawat kabataang Tanaueño sa ilalim ng Local Child Protection Code.
Samantala, kabilang din sa nakiisa sa naturang aktibidad sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Kon. Czylene Marqueses at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor na katuwang ni Mayor Sonny sa paghubog ng kinabukasan ng bawat kabataang Tanaueño.
No photo description available.
Previous Ready na ga kayo sa ating Cedera?

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved