Business One-stop-shop, patuloy ang pag-arangkada sa Gymnasium 1!
Sa patuloy na pag-arangkada ng Business One-Stop-Shop sa Gymnasium 1, muli itong sinadya ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes upang tingnan ang kalagayan ng ating mga kababayan na kasalukuyang nagbabayad at nagpoproseso ng kanilang mga dokumento.
Sa kaniyang mensahe, kaniyang pinasalamatan ang ating mga kababayan dahil sa patuloy nitong pakikipagtulungan na mapaunland ang mahal nating Lungsod. Binigyang diin niya rin na siya ay kokonsulta at makikinig sa kanilang mga hinaing para sa mas maganda at maayos na ugnayan ng mga pribadong sektor sa ating Lokal na Pamahalaan.
Matatandaang bahagi ito ng adhikain ni Mayor Sonny upang mapabilis ang proseso para sa aplikasyon ng renewal of Business Permits ng ating mga negosyanteng Tanaueno, ito ay alinsunod sa Republic Act 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.
Samantala, Bukas ang CGT B.O.S.S. hanggang ika-28 ng Pebrero, mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM sa Pres. Jose P. Laurel Gymnasium 1, Brgy. Poblacion 2, Tanauan City.
Para sa iba pang impormasyon, i-click lamang ang link na ito: