Bumubuhos na suporta para sa ating mga mangingisda at magsasaka 



Ngayong araw, ika-17 ng Disyembre 2024 sabayang naglunsad ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ng mga programa para sa Sektor ng Agrikultura tulad ng pamamahagi ng mga Agricultural Inputs at Graduation Ceremony naman para sa 32 magsasakang sumailalim sa pagsasanay hinggil sa Corn Production and Management.
Kasama ang 1Munti Party-list, Atty. Cristine Collantes, Mr. Wilfredo Ablao at mga indibidwal mula sa mga pribadong sektor, titiyakin ng ating Punong Lungsod na dadami pa ang mga ibabang programang pang-agrikultura sa ating mga komunidad na layong matulungan ang mga mamamayan para sa kanilang kabuhayan upang makatulong sa pagpapaunlad ng ating Lokal na Ekonomiya.