Pormal nang binuksan ngayong araw ang bagong multi-functional factory ng Brother Philippines sa Lungsod ng Tanauan matapos isagawa ngayong araw ang inagurasyon nito sa pangunguna nina Mayor Sonny Perez Collantes, DTI Philippines Sec. Alfredo Pascual, PEZA Director General Hon. Tereso Panga at mga kinatawan ng Brother Industries na sina President & Director Mr. Ichiro Sasaki, Brother Industries Philippines President Mr. Hiroki Yamamoto, General Manager Mr. Masaru Tanaka at Factory Manager Mr. Katsumi Nishi.
Kabilang din sa nakiisa sa naturang programa si Batangas Provincial Womenโs Coordinating Council Vice President Atty. Cristine Collantes, TOYO Conservation Chairman Mr. Shinya Yoshida, CCT Construction Representative Mr. Horoki Nakazawa, Brgy. Ulango Kap. Tirso Oruga at Brgy. Pantay Bata Kap. Mike Manalo.
Ang nasabing pasilidad ay ikatlong factory ng Brother Philippines at kasalukuyang nakatayo sa loob ng First Industrial Business Park na matatagpuan Brgy. Ulango at Pantay Bata. Binubuo ito ng apat na palapag na may total floor area na 86,528 m2 na magsisilbing lugar para sa kanilang printer A4 production, toner production at warehouse.