Blood Donation Drive bilang bahagi ng ika- 124th Philippine Civil Service Anniversary, aktibong nilahukan ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan!
Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng ika-124 Anibersaryo ng Philippine Civil Service, isinagawa ngayong araw ang Blood Donation Drive ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan na may temang “Dugong may Malasakit, May Buhay na Masasagip” kung saan aktibong nilahukan ito ng mga Department Managers, mga kawani ng iba’t ibang tanggapan at mga Barangay Functionaries mula sa 48 Barangay.
Personal din na binisita at kinumusta ni Mayor Sonny Perez Collantes ang mga Blood Donors kabilang na ang mga organizers nito na mula sa Human Resource Management and Development Office (HRMDO) at City Health Office (CHO), katuwang ang Healthway Medical Center, NL Villa Medical Center at mga mag-aaral mula sa First Asia Institute of Technology and Humanities.
Layunin nito na makalikom ng maraming dugo bilang karagdagang suplay para sa ating Lungsod upang makatulong sa ating mga kababayan para sa kanilang medikal na pangangailangan.
