Blessing of π‘©π’‚π’“π’‚π’π’ˆπ’‚π’š 𝑯𝒂𝒍𝒍 𝒂𝒏𝒅 π‘«π’‚π’š π‘ͺ𝒂𝒓𝒆 π‘ͺ𝒆𝒏𝒕𝒆𝒓 of π‘©π’“π’ˆπ’š. π‘·π’π’ƒπ’π’‚π’„π’Šπ’π’ 4

Blessing of π‘©π’‚π’“π’‚π’π’ˆπ’‚π’š 𝑯𝒂𝒍𝒍 𝒂𝒏𝒅 π‘«π’‚π’š π‘ͺ𝒂𝒓𝒆 π‘ͺ𝒆𝒏𝒕𝒆𝒓 of π‘©π’“π’ˆπ’š. π‘·π’π’ƒπ’π’‚π’„π’Šπ’π’ 4
Isinagawa ngayong araw ng Linggo, ika-6 ng Nobyembre, 2022 ang pagbasbas at pagpapasinaya ng bagong gawang Barangay Hall at Day Care Center sa Brgy. Poblacion 4, Tanauan City.
Ito ay dinaluhan ng ating butihing Mayor Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. King Collantes at buong Sangguniang Barangayβ€”sa pangunguna ni Kap. Edilberto Catala.
Ang proyektong ito ay mula sa pondo ni Congresswoman Maitet Collantes na naglalayong maghandog ng mga pagawaing bayan tulad ng mga Pangunahing kalsada, Day Care Centers, Barangay Hall at mga paaralan sa Ikatlong Distrito ng Batangas.
Kaugnay nito, patuloy pa rin ang pagsisikap ng ating Punong Lungsod na suportahan ang pagsasaayos ng sentro ng pamamahala ng bawat barangay para sa mas mahusay na paglilingkod sa mga TanaueΓ±o.
Previous Pag gunita ng ika-63 kamatayan ng bayaning TanaueΓ±o na si dating Presidente Jose P. Laurel Sr.

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENTΒ© 2022 All Rights Reserved