Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Lalawigan ng Batangas!
Personal na nagtungo ang ating Pangulong Bongbong Marcos sa Lalawigan ng Batangas upang personal na ihatid sa ating mga kababayan ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.
Kabilang sa tagumpay sa naipamahagi sa ating higit 10,000 Batangueñong magsasaka at mangingisda ang bigas at tulong pinansyal na nagkakahalagang P10,000 para sa bawat isa.
Nagpaabot din dito ng iba’t ibang agriculture products, inputs at materials mula sa Philippine Coconut Industry at Department of Agriculture. Mayroon ding iba’t ibang pangkabuhayan package tulad ng Sari-Sari Store Package, Business Kits at tulong pinansyal para naman sa mga Kooperatiba at mga MSME mula Batangas, Laguna at Quezon.
Kasabay nito ang paghahatid ng programang TUPAD mula DOLE, Skills Training Scholarship mula TESDA at Supplementary Feeding program para 2,353 Child Development Centers mula DSWD.
Habang nakiisa rito sina Sen CongSec. Ralph Recto, former Gov. Vilma Santos-Recto, at One Batangas sa patuloy na pag-agapay sa ating mga Batangueño.
Sa tulong naman ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes katuwang sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Atty. King Collantes, ito ay kabilang sa mga hakbangin upang maihatid sa ating mga kababayan ang mga serbisyo at programa ng ating Nasyunal na Pamahalaan.