Batangas Varsitarian Tanauan City Community Council 1st Founding Anniversary

Batangas Varsitarian Tanauan City Community Council 1st Founding Anniversary
Naging bahagi ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kasama si Atty. King Collantes sa matagumpay na pagdiriwang ng ika-unang anibersaryo ng Batangas Varsitarian – Tanauan City Community Council ngayong araw na ginanap sa Barangay Covered Court ng Sambat.
Ang naturang seremonya ay naging daan upang mas mapalawak ang relasyon ng Pamahalaang Lungsod sa iba’t ibang samahan at organisasyon sa Tanauan na magiging katuwang ng ating butihing Mayor sa paglilingkod para sa ating mga kababayan.
Bahagi rin nito ang pagpapaabot ng mensahe nina Mayor Sonny at Atty. King para bigyang papuri at paalala ang kanilang napakagandang samahan na puno ng pagkakaisa at malasakit sa bawat miyembro. Kasabay nito ang munting regalong handog ng ating Punong Lungsod bilang simbolo na palaging nakasuporta ang Pamahalaang Lungsod sa kanilang grupo.
Happy First Founding Anniversary, Batangas Varsitarian Tanauan City Community Council!
Previous Blessing of π‘©π’‚π’“π’‚π’π’ˆπ’‚π’š 𝑯𝒂𝒍𝒍 𝒂𝒏𝒅 π‘«π’‚π’š π‘ͺ𝒂𝒓𝒆 π‘ͺ𝒆𝒏𝒕𝒆𝒓 of π‘©π’“π’ˆπ’š. π‘·π’π’ƒπ’π’‚π’„π’Šπ’π’ 4

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTΒ© 2022 All Rights Reserved