Batangas Citizen’s Crime Watch General Meeting
Bilang suporta sa mga pribadong organisasyong katuwang ng Tanauan LGU, personal na nakiisa sina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes sa ginanap na Batangas Citizen’s Crime Watch General Meeting.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang pinasalamatan ang mga miyembro nito na pinamumunuan nina CCW Vice President for National Mr. Vener latayan, Acting Chairman Me. Gerry Villanueva, at Tanauan City Chairwoman Ms. Florife Villanueva sa pagpapalakas ng kapayapaan at kaayusan sa Lungsod.
Samantala, nagpaabot din ng grocery packs sina TCWCC President Atty. Cristine Collantes at 1Munti Partylist 1st Nominee Atty. Raffy Garcia bilang pagsuporta sa naturang samahan at sa layunin ng CCW na mapangalagaan ang bawat pamilyang Tanaueño.
