Barangay Assembly sa Luyos, naging matagumpay!
Sa pagsisikap ni Mayor Sonny Perez Collantes na mailapit ang mga programa ng lokal na pamahalaan sa mga komunidad, nakiisa ito kasama si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes sa ginanap na Barangay Assembly ng Luyos na pinagunahan ni Kap. Patricio Arcega katuwang si Kapitana at Luyos Barangay Women’s Coordinating Council President Lilibeth Arcega.
Pamamaraan ito ni Mayor Sonny upang malaman ang estado at suliranin ng nasabing barangay upang maibaba ang mga komprehensibong programa batay sa kanilang pangangailangan.
Kaugnay rito, nakiisa rin sa nasabing aktibidad ang mga kinatawan ng iba’t ibang sektor ng Lungsod na katuwang ng lokal na pamahalaan sa paghahatid ng dekalidad na serbisyong publiko.
