Bagong Renal Aid Dialysis Center para sa mga Tanaueño, bukas na sa publiko!
Kaugnay sa patuloy na pakikipagtulungan ni Mayor Sonny Perez Collantes sa ating mga pribadong sektor sa paghahatid ng dekalidad na serbisyong medikal sa Tanauan, naging matagumpay ngayong araw ang pagbubukas ng bagong Renal Aid Dialysis Center.
Ayon kay Mayor Sonny, malaki ang kapakinabangan ng naturang pasilidad para sa ating mga kababayang sumasailalim sa gamutan tulad ng dialysis.
Ang nasabing aktibidad ay kabilang sa pagsuporta ni Mayor Sonny sa mga lokal na negosyo dito sa Lungsod na katuwang ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya nito at paghahatid ng trabaho at dekalidad na serbisyong medikal para sa mga Tanaueño.
Maaaring bisitahin ang Renal Aid Dialysis Center na matatagpuan sa Seven Stars Business Park, Purok 1, Brgy. Pagaspas, Tanauan City, Batangas o maaaring makipag-ugnayan sa kanilang numero na (043) 741-9395 o 09517182110
