Bagong National Child Development Center sa Lungsod ng Tanauan

Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang @ DSWD Region IV-A, pormal nang binuksan ngayong araw ang bagong National Child Development Center ng Lungsod ng Tanauan na matatagpuan sa Brgy. Sambat at kasalukuyang magagamit ng ating mga Kabataan.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, ang pagtatayo ng nasabing pasilidad ay isa sa indikasyon ng paghahanda ng lokal na pamahalaan para sa mas magandang kinabukasan ng mga kabataang TanaueΓ±o, kabilang na ang pagpapaabot ng mga libreng gamit pang-eskwela, at supplementary feeding program.
Malugod na ibinahagi naman ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes ang kaniyang mensahe ng pasasalamat sa mga ahensyang nagtulung-tulong upang maisakatuparan ang pagkakaroon ng National Child Development Center.
Ang nasabing pasilidad ay bahagi ng Early Childhood Care and Development Program ng Department of Social Welfare and Development – DSWD kung saan katuwang upang maibaba ang programang ito sa Lungsod ay ang Tanauan Local Social Welfare and Development sa pamumuno ni Ms. Iea Lira at former CSWD head Ms. Vicky Javier.
Samantala, kabilang din sa nakiisa sa aktibidad na ito sina Committee on Education and Culture Chair Kon. Czylene Marqueses at Sangguniang Barangay ng Sambat sa pamumuno ni Kap. Gil Platon.
Previous Happy Fiesta Brgy. Altura Bata!

TANAUAN CITY GOVERMENTΒ© 2022 All Rights Reserved