Bagong Multipurpose Building ng Brgy. San Jose

Bagong Multipurpose Building ng Brgy. San Jose, inihatid ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Mayor Sonny Perez Collantes!
Mas maayos na pasalidad para sa iba’t ibang programa ng Brgy. San Jose ang pormal na binuksan ngayon nina Congw. Maitet at at Mayor Sonny Perez Collantes matapos isagawa ang inagurasyon ng multi-purpose building nito ngayong araw.
Inaasahan na ang three-storey building na ito ay magiging bagong Child Development Center ng Brgy. San Jose kung saan layong bigyang prayoridad ang edukasyon ng mga kabataang Tanaueño.
Habang isinagawa rin sa pangunguna ni Kapitana Dorie Cruz ang Barangay Assembly kung saan nagkaroon ng consultative meeting ang nga Tanaueño ng naturang barangay sa ating Punong Lungsod at sa tanggapan ni Congw. Maitet, sa pamamagitan ni 3rd District Chief of Staff Atty. King Collantes.
Previous SERBISYO PUBLIKO CARAVAN

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved