Pormal nang inilunsad ng Healthway Daniel O. Mercado Medical Center ang kanilang bagong MRI Services, ang MRI ay nangangahulugang magnetic resonance kung saan ay isang uri ito ng diagnostic process na kinukuhanan ng larawan ang katawan sa pamamagitan ng radio waves, mas ligtas din itong gamitin dahil hindi ito gumagamit ng radiation sa buong proseso kumpara sa X-Ray at CT Scan.
Nagsilbing kinatawan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes si TCWCC President Atty. Cristine Collantes upang magpaabot ng pagbati at pagkilala sa dedikasyon ng Healthway DMMC.
Matapos ang ribbon & blessing ceremony ay nagsagawa rin ng MRI Facility tour & demonstration kasama ang lahat ng opisyal ng Healthway DMMC.
Taos puso ring nagpasalamat ang pamunuan ng Healthway DMMC sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes dahil sa active partnership nito sa mga inobasyon at pag-unlad ng naturang ospital para sa mga pasyente.
