Bagong BATELEC Branch Office, bubuksan sa Lungsod ng Tanauan!

Bagong BATELEC Branch Office, bubuksan sa Lungsod ng Tanauan!
Bilang bahagi ng pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang pribadong sektor sa Lungsod ng Tanauan, pormal na nakiisa sina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes sa groundbreaking ceremony ng itatayong BATELEC Branch Office sa Brgy. Sambat.
Pormal ding pinasinayaan ng buong pamunuan ng BATELEC sa pangunguna ni BATELEC II Board President Dir. Delio Ambal ang naturang programa.
Ang nasabing itatayong gusali ay naglalayong ilapit sa mga Tanaueño at maging iba pang bayang sakop nito ang mga serbisyo ng BATELEC.
Matatagpuan ang BATELEC Tanauan Office Branch sa Brgy. Sambat na inaasahang mas pinalaki upang matugunan ang pangangailangan ng nga konsyumer na Batangueño.
Previous Libreng Pustiso para sa mga Tanaueño!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved