Bagong bahay para sa ating mga Tanaueño!

Bagong bahay para sa ating mga Tanaueño, handog ng Prime Infra Foundation katuwang ang Tanauan LGU!
Mas maayos na tirahan ang naghihintay para sa ating mga Tanaueño mula Brgy. Malaking Pulo matapos pormal na ihandog ito ng Prime Infra Foundation at Prime Solar katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at Sangguniang Barangay ng Malaking Pulo.
Bilang kinatawan ni Mayor Sonny Perez Collantes, taos pusong nagpasalamat si TCWCC President Atty. Cristine Collantes sa paghahatid ng disenteng tirahan para sa ating mga kababayan upang makapagsimula ng bagong buhay.
Ang mga nasabing benepisyaryo ay ilan sa mga residente mula Sitio Malipa ng Malaking Pulo na kinakailangang mai-relocate para sa kanilang kaligtasan mula sa mga kalamidad.
Samantala, ilan lamang ito sa Corporate Social Responsibility ng Prime Infra Foundation at Prime Solar para sa mga Tanaueño mula sa iba’t ibang sektor.
Previous Palalakasin ang Sektor ng Agrikultura sa Lungsod!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved