Back-to-Back Pageant Titles para sa Ikatlong Distrito, binigyang-pagkilala ni Mayor Sonny Perez Collantes!

Back-to-Back Pageant Titles para sa Ikatlong Distrito, binigyang-pagkilala ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Muling nagwagi ang ating mga pambato sa male pageantry na sina Mr. Emmanuel L. Balba ng Poblacion 5 at Mr. Josh Harold De Leon ng Bayan ng Talisay.
Sa kanilang courtesy call kay Mayor Sonny Perez Collantes, kaniyang binigyang-pagkilala ang natatanging husay at talento ng mga nasabing Batangueño kung saan nasungkit nila ang iba’t ibang titulo.
Kaugnay nito, itinanghal bilang Mister Tourism Intercontinental 2024 Mr. Emmanuel L. Balba na ginanap sa Thailand at nilahukan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang bansa.
Habang itinanghal naman bilang 2nd Runner Up ng ister Friendship International 2024 si Mr. Josh Harold De Leon.
Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, taos pusong pagbati sa inyong nakamit na tagumpay!
No photo description available.
Previous Victory Motorcade para kay Miss Universe Philippines-Batangas Ms. Yana Ysabel Fajardo Maranan!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved