Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at iba’t ibang organisasyon, nakiisa sa ALAY LAKAD 2023
Matapos ang tatlong taon, nagsama-sama ngayong umaga sa ginanap na ALAY LAKAD 2023 ang buong pamunuan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, TWCC President Atty. Cristine Collantes at Sangguniang Panlungsod, kasama ang higit 25 na mga organisasyon, ahesya at paaralan.
Mula sa kahabaan ng Mabini Avenue hanggang J. P. Laurel, umabot sa 1,350 mga Tanaueño ang lumahok at nakiisa sa naturang aktibidad na inisyatibo ng Alay-Lakad Foundation 2023 sa pangunguna ni Mr. Marco Amurao at pakikipagtulungan sa ating Tanauan CSWD.
Habang nagpasalamat naman si Mayor Sonny sa taos pusong pakikiisa ng ating mga kababayan sa programang ito na layuning mabigyan ng sapat na suporta ang mga Out-of-school youth at iba pang mag-aaral na tinutulungan ng ating lokal na pamahalaan tungo sa kanilang magandang kinabukasan.
Samantala, bukod sa Alay Lakad na isinagawa, nagdaos din ng iba’t ibang aktibidad tulad ng Raffle draw at Search for Mutya ng Alay Lakad, Binibining Alay Lakad, Gandang Lola Alay Lakad at Bagong Ganda Alay Lakad para sa mga nakibahagi sa aktibidad.