AKAProgram para sa mga mangingisdang Tanaueño, ipinaabot ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes!
Mula sa patuloy na pakikipagtulungan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. King Collantes at Mayor Sonny Perez Collantes sa nasyunal na pamahalaan tulad ng Department of Social Welfare and Development – DSWD, naipaabot ngayong araw ang AKAProgram (Ayuda sa Kapos ang Kita Program) para sa mga mangingisda ng Lungsod ng Tanauan.
Inisyatibo ito ni Congw. Maitet katuwang ang mga tanggapan ng pamahalaan upang masigurong nabibigyan ng sapat na suporta ang mga kababayang bahagi nga iba’t ibang sektor at industriya.
Bagaman kasalukuyang nararanasan ang epekto ng bagyong #KristinePH, tagumpay ring naipamahagi ang naturang programa sa iba pang Bayan sa Ikatlong Distrito kaninang umaga.
