AKAPIN Batangan Inc, makikibahagi sa mga programa para sa ating mga Tanaueño!

AKAPIN Batangan Inc, makikibahagi sa mga programa para sa ating mga Tanaueño!
Sa patuloy na pakikiisa ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa iba’t ibang samahan at organisasyon sa Tanauan, bumisita ngayong araw sa Tanggapan ng mga Mamamayan ang AKAPIN Batangan, Inc. sa pangunguna ni Gng. Adela Flores Bastante, upang talakayin ang mga programang magpapabuti sa antas ng pamumuhay ng bawat Pamilyang Tanaueño.
Kasabay nito, inihayag ni Mayor Sonny ang mga programa ng Pamahalaang Lungsod kabilang ang Programang Pabahay, City Citizen’s Card at mga pangangailangang pinansyal na patuloy na ipinamamahagi sa ating mga Tanaueño.
Bukod pa rito, hinikayat din sila na makipagtulungan sa ating Lokal na Pamahalaan upang mas mapabilis na mailalapit sa mga komunidad at sa ating mga kababayan ang mga serbisyo ng Pamahalaang Lungsod.
Previous Dagdag na 36 na mga Bagong Guro sa mga Pampublikong Paaralan sa Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version