Advance Merry Christmas, Department of Public Works and Highways District Engineering Office – Batangas!
Nakiisa at nakisaya sa ginanap na Christmas celebration ng DPWH District Engineering Office – Batangas si Mayor Sonny Perez Collantes.
Ang nasabing aktibidad ay naging paraan din ni Mayor Sonny upang ipaabot sa pamunuan nito ang taos pusong pasasalamat sa kanilang pakikiisa sa lokal na pamahalaan sa paghahatid ng mga programang may kinalaman sa imprastruktura.
Bukod dito, patunay rin ito ng bukas na pakikipagtulungan ng ahensya upang mas mapaunlad pa ang ibaβt ibang pagawaing bayang kinakailangan ng ating Lungsod.
