Culminating Acticvity for Specialized Training Program

Nagpatuloy ngayong araw ng Sabado ika-24 ng Setyembre, 2022 ang Culminating Activity para sa Specialized Training Program ng mga aspiring principals at school heads sa Lungsod ng Tanauan.
Ito ay ginanap sa Tanauan South Central School Gymnasium kung saan naging matagumpay ang pamamahagi ng Certificate of Principalship sa 118 na mga aspiring Principals at School Heads sa lungsod, sa pangunguna ng Good Shepherd Professional Training Services.
Binigyan naman ng pagkilala ng Good Shepherd Professional Training Services ang ating butihing Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa masigasig nitong pagsuporta at pagpapahalaga sa sektor ng kaguruan sa ating lungsod.
Sa kanyang mensahe, ipinabatid ni Mayor Sonny Perez Collantes na bahagi ng kanyang prayoridad ang mahandugan ng karagdagang kasanayan at specialized programs ang mga guro para sa mas mataas na kalidad ng edukasyon. Ipinaalala rin niya na laging handang umagapay ang Pamahalaang Lungsod sa mga pangangailangan ng kani-kanilang eskwelahan para narin sa bawat mag-aaral.
Previous 2-Day Good Manufacturing Practices (GMP) para sa 28 na mga Kooperatiba, matagumpay na naisagawa kasama ang DOST-Batangas

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved