๐—ฆ๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜‚๐—ฎ๐—ป, ๐—”๐—น๐—น-๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐˜‚๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—˜๐—ฑ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป!

“Hindi hadlang ang kawalan upang lahat ng pamilya sa Tanauan ay makapagpatapos ng anak sa Kolehiyo”, ito ang binigyang diin ni Mayor Sonny Perez Collantes ngayong umaga sa harap ng mga Guro at mga magulang matapos ipamahagi rin ngayong araw sa Tanauan South Central School at Tanauan North Central School ang mga Libreng School Bag and Supplies (from Kinder to Grade Six) at Flexible Uniform (from Kinder to Grade 10) para sa pagbabalik-eskuwela ng ating mga mag-aaral.
Sa ilalim ng 7 Rays Priority Project ang Karunungan at Edukasyon, sinisiguro ng ating butihing Punong Lungsod na patuloy ang maigting na suporta ng ating Lokal na Pamahalaan para sa pag-aaral ng ating mga kabataan.

Kaniyang tiniyak na ang Susi para sa maunlad na Lungsod ay ang pagtitiwala na maibigay ang nararapat na suporta at gabay para sa pagtupad sa pangarap ng bawat Kabataang Tanaueรฑo.

Bahagi ng matagumpay na programang ito sina Kon. Czylene T. Marqueses ang ating DepEd Tanauan City kasama sina CSWD Head Ms. Vicky Javier, Mr. Marco Amurao, Dating Kapitan ng Barangay Ulango Tirso Oruga, Mr. Eboy Alcantara, Mr. Macky Gonzales, Engr. Sonny Natanauan at Ms. Lilybeth Arcega.
Previous Ligtas at protektadong mga Senior Citizens laban sa sakit

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved