Educational Assistance para sa mga mag-aaral mula Malaking Pulo at Santol, inihatid ng Pamahalaang Lungsod ngayong araw!

Higit 1,049 na Tanaueñong mag-aaral mula Malaking Pulo at Santol ang personal na nabigyan ng Educational Assistance ni 3rd District Chief of Staff Atty. King Collantes na kumatawan kay Mayor Sonny katuwang ang mga kawani ng Barangay Affairs at City Treasury Office.

Bahagi ito ng layunin ni Mayor Sonny na mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang bawat batang Tanaueño sa pamamagitan ng pagahhatid ng suportang pinansyal.

Bukod rito, alinsunod ang naturang programa sa mandato ni Mayor Sonny, na mabigyan ng educational scholarship ang dalawang mag-aaral kada pamilyang Tanaueño.

Previous Mga aktibidad na isasagawa para sa pagdiriwang ng Women’s Month, bahagi ng CBWCC 3rd Monthly Meeting!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved