Luyos National High School, hinandugan ng Computer Sets ng Honda Philippines, Inc.!

Bilang bahagi ng Corporate Social Responsibility (CSR) at pakikipagtulungan ng kumpanyang Honda Philippines, Inc sa ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes, sila ay nagpaabot ng mga Computer Sets at 2 Laptops para sa Luyos National High School.

Bilang kinatawan ng ating Punong Lungsod, inihayag nina Atty. Cristine Collantes at Mr. Wilfredo Ablao ang pasasalamat sa naturang kumpanya para sa kanilang patuloy na pagsuporta sa ating Pamahalaang Lungsod upang mapalago ang Lokal na Ekonomiya ng Tanauan. Pinuri rin nila ang kanilang pakikiisa sa mga programang pang-edukasyon sa pamamagitan ng ganitong uri ng proyekto.

Labis naman ang tuwa ng mga guro at mag-aaral sa natanggap na mga Computer Sets ng kanilang Paaralan, dahil makatutulong ito para sa kanilang mga aktibidad at mapapalawak ang kanilang kaalaman patungkol sa wastong paggamit ng teknolohiya.

Previous Tanauan School of Fisheries, pinagkalooban ng walong Computer Set at Dalawang Laptop mula sa Honda Philippines, Inc!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved