DSWD Region IV-A Satellite Office, binuksan na sa Lungsod ng Tanauan!
Sa kauna-unahang pagkakataon, mas ilalapit na ang serbisyo ng Department of Social Welfare and Development para sa mga Batangueño matapos na pasinayaan ngayong araw ang pagbubukas ng DSWD Satellite Office sa Lungsod ng Tanauan.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan nina Mayor Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, DSWD ASEC. Arnel Garcia, mga opisyal ng DSWD Region IV-A at Tanauan CSWD.
Ayon kay Mayor Sonny, malaking tulong ang tanggapan na ito dahil bukod sa mas maraming mga kababayan natin sa Ikatlong Distrito ang maseserbisyuhan, ay hindi na nila kinakailangang pumunta sa DSWD Region IV-A Main Office upang magpasa ng kanilang mga dokumento.
Habang nagpasalamat naman din si Congw. Maitet kay DSWD Sec. Rex Gatchalian at sa buong DSWD Region IV-A sa agarang pakikipagtulungan upang maisakatuparan ang Satellite Office na ito at sa pagpapaabot ng mga programang nasyunal tulad ng DSWD AICS.
Kabilang din sa nakiisa at nagpaabot ng suporta ay sina DSWD Assistant for Operations Ms. Mylah Gatchalian, Crisis Intervention Unit Head Ms. Marivi Elnar, Assistant Regional Director for Operations Mr. Alkent Bacolod, TWCC President Atty. Cristine Collantes, City Administrator Wilfredo Ablao
Samantala, bukas ang DSWD Satellite Office na matatagpuan sa 1st floor West Wing, Tanauan New City Hall, Brgy. Natatas, Tanauan City Batangas mula Lunes hanggang Biyernes, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.