Maipagpapatuloy pa ng Balele Multi-Purpose Cooperative (BMPC) ang kanilang proyektong KADIWA para sa mga Tanaueño sa pamamagitan ng P300,000 na tulong pinansyal na ipinaabot ng ating butihing Punong Lungsod Sonny Perez Collantes katuwang ang City Cooperatives and Livelihood Development Office (Ccldo Tanauan) sa pamumuno ni Ms. May Teresita Fidelino.
Inisyatibo ito ng ating lokal na pamahalaan upang patuloy na palakasin ang mga kooperatiba at iba’t ibang industriya sa lungsod sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga proyektong agrikultural at Agribusiness ng ating mga kababayan.
Bukod sa tulong pinansyal, nagpaabot rin ng bagong truck sa BMPC ang Pamahalaang Lungsod katuwang ang Department of Agriculture (DA) Region IV-A na bahagi ng Enhanced Kadiwa Project ng tanggapan.