7 Barangay na Drug Cleared at Mobilized, binigyang pagkilala ng ating Punong Lungsod at ng Philippine National Police kasabay ng pagtataas ng watawat ng Pilipinas ngayong araw!
Sa pagsisimula ng Linggo, ngayong araw naisagawa ang ika-23 pagtataas ng watawat ng Pilipinas na pinangunahan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, mga kapitan, Department Managers kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod.
Kasabay nito ang anunsyo mula sa tanggapan ng City Health Office na magkakaroon ng programa ang Pamahalaang Lungsod hinggil sa pamamahagi ng Libreng pustiso para sa ating mga kababayan. Binigyang pagkilala rin ni Tanauan City PNP Chief PLTCol John Ganit Rellian ang pitong (7) Barangay matapos maging Drug cleared at Mobilized ito alinsunod sa adhikain ni Mayor Sonny at ng Pamahalaang Nasyunal na masugpo ang ilegal na droga sa ating Lungsod.
Kinilala naman ng ating Punong Lungsod si Mr. Jeffrey Segovia mula sa Tanauan City Trading Post dahil sa ipinamalas nitong kabutihan matapos ibalik sa may-ari ang kaniyang napulot na wallet at alahas.
Samantala, ipinaalam rin ng ating butihing Mayor ang kasalukuyang sitwasyon sa pangongolekta ng basura kung saan umaabot sa mahigit 400 cubic meters ang kanilang nahahakot kada araw sa Tanauan. Nabanggit niya rin ang kasalukuyang isinasagawang Business One-Stop-Shop na mas lumaki ang nalilikom na buwis ng Pamahalaang Lungsod mula sa Real Property Tax at mga kumukuha ng Business Permit, ito ay indikasyon sa patuloy na pakikiisa at pakikipagtulungan ng mga pribadong sektor para sa tuloy-tuloy na kaunlaran ng Lungsod ng Tanauan.