Pagdaraos ng Deped Regional ManCom at Regional School Press Conference, at pagpaplano hinggil sa pagtatayo ng Tanauan City Science Highschool, tinalakay sa 9th Local School Board Meeting
Sa pangunguna ni LSB Chair Mayor Sonny Perez Collantes, kasalukuyan nang pinaghahandaan ang paparating na DepEd Regional MannCom na dadaluhan ng mga kawani at guro mula sa iba’t ibang division offices.
Bukod dito, inaasahan din na sa susunod na taon ay sa Lungsod ng Tanauan idaraos ang Regional School Press Conference kaya naman, maigting na paghahanda rin ang inilalatag ng ating DepEd Tayo – DepEd Tanauan City tulad ng puspusang training para sa mga campus journalists ng Lungsod.
Samantala, tinalakay rin ang target location kung saan maaaring itayo ang Tanauan City Science Highschool na magsisilbing institusyon sa Lungsod upang paunlarin ang aspeto ng Science, Technology and Mathematics para sa Kabataang Tanaueño.
Habang kasado na rin ang pagsasaayos ng Luyos National Highschool partikular na ang stage at gymnasium nito na makatutulong sa conducive learning ng mga mag-aaral.