7th PWCC Batangas INC Meeting with Atty. Cristine Collantes

Mga Proyektong isasagawa ng Batangas Women’s Coordinating Council, tinalakay sa 7th PWCC Batangas INC. Regular Meeting!

Bilang Executive Vice President, dumalo sa ginanap na 7th Regular Meeting si TCWCC President Atty. Cristine Collantes kasama ang mga miyembro ng Batangas Provincial Women’s Coordinating Council upang talakayin ang iba’t ibang programang ibababa ng samahan para sa mga kababaihan sa bawat bayan sa lalawigan.

Sa pangunguna ni PWCC President Mayor Atty. Cindy Reyes na nagsilbing Presiding Officer, isa-isang nilatag sa pagpupulong ang mga paparating na aktibidad ng samahan katuwang ang PSWDO tulad ng mga sumusunod:
• Pamamahagi ng libreng pustiso sa mga identified indegent women sa bawat bayan
• Pamamahagi ng Dental Kits
• Pagbuo ng PWCC Coffee Table Book
• Pakikiisa sa Provincial Alay Lakad
• Coastal Clean Up Drive sa Bayan ng Ibaan

Habang inilahad naman ni TCWCC President Atty. Cristine ang ulat patungkol sa kasalukuyang estado ng pondo ng samahan kabilang na ang pinaglaanan nitong programa para sa kababaihan.

Naging matagumpay rin ang isinagawang donation drive para sa paparating na Brigada Eskwela kung saan nakatanggap ang bawat bayan ng gamit panlinis at pampintura.

Samantala, kasalukuyang pinagpaplanuhan na rin ng PWCC ang paghahatid ng Lecture Series para sa mga Batangueña.

Previous Tree Planting Activity and Brigada Eskwela

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version