76th Moltaqa, General Assembly for all Muslim Men and Women in Luzon

Nakiisa sina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes sa makahulugang talakayan ng ating mga kapatid na Muslim sa Lungsod ng Tanauan at sa buong Luzon.

Sentro ng pagpupulong ang mga paniniwala at mga kautusan ayon sa paniniwala ng relihiyong Islam. Kabilang na ang pagsasagawa ng pagbabasa ng banal na Qur’an para sa pagpapalakas ng kanilang pananampalataya na parte ng naturang programa.

Sa mensahe naman ni Mayor Sonny at Congw. Maitet, kanilang kinilala ang mahalagang gampanin ng mga kapatid nating Muslim para sa isang maunlad na Lungsod at papuri para sa kanilang matatag na pananampalataya at sama-samang pagtutulungan — pagkakaisa sa lahat ng uri ng hamon ng ating buhay.

Mabuhay ang ating mga kapatid na Muslim! Mabuhay ang Lungsod ng Tanauan!

Previous Ika-57 na Pagtataas ng Watawat ng Pilipinas sa Lungsod ng Tanauan

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved