74 pamilya personal na hinatiran ng relief package ni Mayor Sonny

Relief package para sa 74 na pamilyang Tanaueño ang personal na inihatid nina Mayor Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Poblacion 7 Kap. Mike Biscocho.

Ang mga nasabing residente ay mga nakatira sa Reaville Subdivision na isa sa binahang lugar sa Lungsod ng Tanauan dulot ng habagat at bagyong Carina.

Kaisa rin sa matagumpay na bayanihang ito ang Tanauan Local Social Welfare and Development sa pamumuno ni Ms. Vicky Javier, Tanauan City Disaster Risk Reduction and Management Office at ni Ms. Chevy Manguito kasama ang mga kinatawan ng iba’t ibang sektor.

Previous Karagdagang tulong at suporta inihatid sa Lungsod ng Tanauan

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved