Pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya at kompanya, update sa mga lokal na program at Inter-barangay Sports League, tinalakay sa 50th Flag Raising Ceremony ng Lungsod ng Tanauan
Sa ulat-bayan ni Mayor Sonny Perez Collantes ngayong ika-50 Regular na Pagtataas ng Watawat ng Pilipinas sa Lungsod ng Tanauan, umabot sa higit 5,000 ang nabigyan ng Educational Assistance mula sa Pamahalaang Lungsod nitong linggo matapos tagumpay ang isinagawang pamamahagi sa Brgy. Trapiche, Banjo East, Banjo West, Tinurik, Bagbag at Mabini.
Tagumpay rin ang pamamahagi ng pinansyal na tulong sa ilalim ng DOLE TUPAD mula sa Tanggapan ni Sen. Joel Villanueva para sa 90 mga Tanaueño.
Nakiisa rin si Mayor Sonny sa pagpupulong ng Federation of Senior Citizens sa Lungsod ng Tanauan kaalinsabay ng pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod sa ilang mga programa para sa kanilang sektor.
Sa kabilang banda, pinangunahan din nitong linggo ni Mayor Sonny ang Local Project Monitoring Council at Local Economic Development Investment Promotion na
Samantala, kabi-kabilang courtesy call din ang pinangunahan ng ating Punong Lungsod kung saan kaniyang nakapulong ang mga kawani mula Land Transportation Office – Tanauan City, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Batangas City Marketing Cooperative, Pilipinas Shell Foundation, Hard Discount Philippines Inc., at Chinabank tungo sa pagpapaunlad ng mga programa sa Lungsod ng Tanauan.
Habang kasado na rin ang isasagawang 1st Mayor Sonny Perez Collantes Champ’s Inter-barangay Sports League 2023 ngayong buwan katuwang ang Sports Division Office at ang mga kinatawan ng 48 Barangay sa Lungsod tampok ang Basketball at Volleyball event.
Kinilala rin ng ating Pamahalaang Lungsod ng Tanauan ang galing at husay na ipinamalas ng ating mga atletang Tanaueño sa katatapos lamang na Palarong Pambansa 2023 kung saan ating nakamit ang kampyeonato sa Baseball Elementary, habang 3rd Placer naman sa Baseball Secondary.