3RD VAWC QUARTERLY MEETING TAGUMPAY NA PINANGUNAHAN NG TANAUAN CSWD

Alinsunod sa direktiba ni Mayor Sonny Perez Collantes na gawing ligtas ang lahat ng kababihan at kabataan sa Lungsod ng Tanauan, tagumpay na isinagawa ang 3rd VAWC (Violence Against Women and and Children) Quarterly Meeting ng Tanauan Local Social Welfare and Development (CSWD) na dinaluhan ng mga miyembro ng Samahan ng VAWC Desk Officers mula sa iba’t ibang samahan.

Dito inilatag ang mga datos ng VAWC simula 2015 hanggang sa kasalukuyan at ang mga ginagawang interbasyon upang masolusyunan ito. Habang iniulat din ang Financial Statement ng grupo simula 2018 hanggang 2022.

Kasabay rin ng pagpupulong ang pormal na pagpapakilala kay Kon. Gavie Pamplona ng Brgy. Bagumbayan bilang bagong pangulo ng samahan ng VAWC Desk officers.

Bukod dito, pinag-usapan din ang nakatakdang iskedyul ng Training Orientation on the Guidelines For Handling Special Cases alinsunod sa RA 9262 and 7610.

#TanauanCityVAWCQuarterlyMeeting
#CityGovernmentOfTanauan
#TanauanCit

Previous OATH TAKING CEREMONY | TANAUAN CITY ADVISORY COUNCIL (PNP)

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved