IN PHOTOS | 3rd Quarter Local Solid Waste Management Board Meeting
Kaugnay sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes na mapangalagaan ang kalikasan ng Lungsod, tagumpay na isinagawa ang 3rd Quarter Local Solid Waste Management Board Meeting kung saan tinalakay ang iba’t ibang programang iniimplementa katuwang ang mga tanggapan ng lokal na pamahalaan.
Kabilang sa mga ito ay ang mga sumusunod:
• 24/7 Street sweeping sa mga barangay
• 24/7 Garbage Collection
• Continuous Operation ng Materials Recovery Facility ng Lungsod
• Pagpapatupad ng Local Environmental City Ordinances
• Pamamahagi ng IECs
• Weekly Clean-up Drive sa mga barangay kasama na ang paligid ng Lawa ng Taal.
Nagsagawa rin ng inspeksyon ang CENRO sa iba’t ibang establisyemento sa Lungsod upang tiyaking sumusunod ito sa regulasyong itinatakda ng Lungsod, kabilang na rin ang implementasyon ng CLAYGo.
