3-Days Basic Training Course.

Bilang bahagi ng pagpapalakas ng aspeto ng kalusugan sa Lungsod, nitong Biyernes, ika-14 ng Oktubre ay tagumpay na nagsipagtapos ang ating 49 na Barangay Health Workers at 10 na Barangay Nutrition Scholars sa isinagawang 3-Day Basic Training Course.
Ito ay inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, katuwang ang City Health Office upang masiguradong dekalidad ang serbisyong naihahatid ng ating BHW at BNS para sa bawat mamamayan at barangay sa Lungsod.
Naging bahagi rin ng nasabing aktibidad at nagpaabot ng karagdagang suporta si Atty. Cristine Collantes na kumatawan sa ating Alkalde na noo’y nasa South Korea.
Samantala, isasagawa naman ang ikalawang batch ng Basic Training Course ngayong araw hanggang ika-19 ng Oktubre sa Collantes Center, Brgy. Pob. 4, Tanauan City
By: Ranch
Previous 17 OCTOBER 2022 | TANAUAN CITY’S 14TH FLAG RAISING CEREMONY

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version