24 OCTOBER 2022 | TANAUAN CITY’S 15TH FLAG RAISING CEREMONY

24 OCTOBER 2022 | TANAUAN CITY’S 15TH FLAG RAISING CEREMONY
Sa ika-15 na Regular na Pagtataas ng Watawat, malugod na ibinalita ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ang kaniyang nakatakdang Ulat sa Bayan para sa kaniyang ika-100 araw ngayong darating na Miyerkules, ika-26 ng Oktubre, kung saan ibinahagi nito ang ilan sa mga programang matagumpay na naisakatuparan sa tulong ng buong pamunuan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan.
Ayon kay Mayor Sonny, patuloy ang kaniyang “consultative leadership” sa pamamagitan ng kaniyang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan at iba pang Lungsod patungkol sa paghahatid ng epektibo at pangmatagalang programa’t proyekto para sa mga mamamayang Tanaueño.
Habang binigyang-suporta rin ng Alkalde ang ating Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa kanilang pagdiriwang ng National Correctional Consciousness Week na layong maghatid ng mga aktibidad para sa ating mga kakabayang Persons Deprive with Liberty (PDL) sa pangunguna ni Chief Inspector Marlon Barrun.
Samantala, binigyang-pagkilala rin ni Mayor Sonny ang ating Math Wizard mula sa Brgy. Sambat na si Jef Noah B. Soliman na nagwagi at nag-uwi ng karangalan mula sa iba’t ibang kompetisyon sa ibang bansa.
Previous Bagong Senior Citizen Card

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved