22 pamilyang inilikas sa Sambat covered court, muling inabutan ng relief goods

Personal na binisita nina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes ang 22 pamilyang inilikas at namamalagi sa Sambat Covered Court upang magpaabot muli ng relief goods.
Kasabay nito, kinumusta rin ng punong lungsod at mga kinatawan ng ibat- ibang sektor ang mga nasalanta ng bagyong Carina upang alamin ang karagdagang pangangailangan ng mga ito.
Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Tanauan Local Social Welfare and Development sa pamumuno ni Ms. Vicky Javier, City Disaster Risk Reduction and Management Office sa pamumuno ni Ms. Chevy Menguito, at Brgy. Sambat Kap. Gil Platon upang masigurong ligtas ang mga inilikas  mula sa epekto ng masamang panahon.
Previous Tagumpay na pamamahagi ng tulong pinansyal katuwang ang Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version