Personal na binisita nina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes ang 22 pamilyang inilikas at namamalagi sa Sambat Covered Court upang magpaabot muli ng relief goods.
Kasabay nito, kinumusta rin ng punong lungsod at mga kinatawan ng ibat- ibang sektor ang mga nasalanta ng bagyong Carina upang alamin ang karagdagang pangangailangan ng mga ito.
Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Tanauan Local Social Welfare and Development sa pamumuno ni Ms. Vicky Javier, City Disaster Risk Reduction and Management Office sa pamumuno ni Ms. Chevy Menguito, at Brgy. Sambat Kap. Gil Platon upang masigurong ligtas ang mga inilikasย mula sa epekto ng masamang panahon.