2024 World Clean Up Day, tagumpay na inilunsad sa Lungsod ng Tanauan!
Kaugnay sa layuning mapanatili ang kalinisan ng ating Lawa ng Taal, tagumpay na isinagawa ngayong araw ang 2024 World Clean Up Day na pinangunahan ni TCWCC President Atty. Cristine Collantes bilang kinatawan ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang pamunuan ng Phillip Morris Fortune Tobacco Company (PMFTC) Inc., Tanauan CENRO at Tanauan Community Affairs Office.
Ang nasabing programa ay kalakip ng hakbangin ni Mayor Sonny na pangalagaan ang #KalikasanAtTurismo mula sa epekto ng microplastic na nakakaapekto sa ating nga katubigan.
Naging kabahagi rin sa nasabing aktibidad ang apo ng ating Alkalde na si Ando Collantes Garcia na kinatawan ng mga kabataan sa Lungsod ng Tanauan, kasama ang kinatawan ng iba pang sektor tulad nina Luyos BWCC President Beth Arcega at Engr. Sonny Natanauan.
Kaisa din sa naturang clean up drive na ito ang:
• LYDO – Tanauan City
• CITIZEN INFORMATION AND ASSISTANCE-BAYANIAN TANAUAN CITY CHAPTER
• TANAUAN BATANGAS BONSAI SOCIETY
• BARAKO MAHARLIKAN TIGERS (Maharlikans Fraternal & Sororal Orders of Tigers-Tiger of Asia)
• PH COAST GUARD
• BARANGAY PANTAY BATA
• BARANGAY GONZALES
• BARANGAY WAWA
• BARANGAY BOOT
#WorldCleanUpDay2024
#CityGovernmentOfTanauan
#TanauanCityBatangas
